^

Probinsiya

Pulis napatay ng mga holdaper

-
DAET, Camarines Norte — Tinambangan at napatay ang isang tauhan ng pulisya ng mga maskaradong kalalakihan makaraang makisakay ang biktima sa Ford Ranger na pag-aari ng kanyang kamag-anak sa Purok 4, Barangay Batobalani, Paracale, Camarines Norte kahapon ng tanghali.

Napuruhan sa leeg ang biktimang si SPO1 Emeterio "Boyet" Bueno, 45, ng Bagasbas Road, Daet, Camarines Norte at nakatalaga sa Daet PNP bilang intelligence officer.

Sa isinumiteng imbestigasyon kay P/Inspector Eugenio Extremadura, police chief ng Paracale, nakisakay ang biktima sa sasakyang Ford Ranger (ASY-222) na pag-aari ni Nga Song Sy Yao at may-ari ng Jeremy Commercial sa J. Lukban Street, Daet.

Makaraan ang ilang minutong paglalakbay, pagdating sa nasabing lugar, apat na kalalakihang maskarado na sakay ng motorsiklo ang humarang sa naturang sasakyan bago pinaulanan ng bala ng baril na ikinasawi ng biktima, samantalang sina Delia Ponayo, Lucy Baluca at drayber na si Baltazar Castillo ay hindi tinamaan.

Bago tumakas ng mga armadong kalalakihan ay tinangay ang bag na naglalaman ng P.2 milyon at tatlong cell phone, subalit sa ulat ng Camp Simeon Ola, hindi nakuha ang naturang halaga dahil naitago sa ilalim ng upuan.

May posibilidad na minamatyagan ang ruta ng Ford Ranger na nangongolekta ng pautang sa mga sari-sari store sa bayan ng Paracale at Jose Panganiban.

Ayon kay P/Sr. Supt. Efren Yebra, walang makitang anggulo ng paglikida kay Bueno at posibleng nadamay lamang sa holdap dahil matapos na mapatay ang biktima ay agad na hinanap ng mga killer ang bag na naglalaman ng malaking salapi buhat sa collection. (Ulat nina Francis Elevado at Ed Casulla)

BAGASBAS ROAD

BALTAZAR CASTILLO

BARANGAY BATOBALANI

CAMARINES NORTE

CAMP SIMEON OLA

DAET

DELIA PONAYO

ED CASULLA

FORD RANGER

PARACALE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with