^

Probinsiya

2 inhinyero ng DPWH, sinibak

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Dalawang inhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tuluyang sinibak kamakalawa sa tungkulin bilang project engineer sa lalawigang ito matapos masangkot tungkol sa pagnanakaw at pagbebenta ng mga pangunahing bakal na nakalaan sa tulay na proyekto ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang dalawang inhinyero na sinibak ni Rodolfo Alday, DPWH-director ng Cagayan Valley ay nakilalang sina Julito Paltep, project engineer at Danny Bernabe, resident engineer ng Maddiangat bridge, isa sa mga pangunahing proyekto ni Pangulong Arroyo.

Napag-alamang Si Paltep ay pinalitan ni Engr. Crisogono Dacena mula sa Region 2 Regional Office, samantalang si Bernabe naman ay pinalitan ni Engr. Rogelio Marata.

Ayon kay Alday, ipinag-utos niya ang pagkasibak ng dalawang engineer habang iniimbestigahan ang kasong administratibo laban sa kanila dahil umano sa pagkasangkot ng mga ito sa pagnanakaw at pagbebenta ng mga bakal ng kanilang ginagawang tulay kabilang na rin ang driver at welder ng DPWH na si Redentor Agbayani at dalawang iba pa.

Iginiit naman ni Alday na kanilang tatapusin ang nasabing proyekto bago pumasok ang buwan ng Abril sa kabila ng anomalyang kinasasangkutan ng kanyang mga tauhan. (Ulat ni Victor Martin)

CAGAYAN VALLEY

CRISOGONO DACENA

DANNY BERNABE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

JULITO PALTEP

NUEVA VIZCAYA

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

REDENTOR AGBAYANI

REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with