^

Probinsiya

Alkalde ng GMA,Cavite sinaksak ng kaanak

-
CAVITE – Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang mayor sa bayan ng General Mariano Alvarez makaraang pagsasaksakin ng kanyang pinsang lalaki na pinaniniwalaang may sayad sa pag-iisip sa Barangay De las Alas sa bayang ito kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nakaratay sa De La Salle University Hospital si Mayor Walter Echevaria na nagtamo ng tatlong sugat sa katawan mula sa ginamit na patalim ng suspek na si John Meonada, 48.

Ayon kay P/Chief Insp. Randolf Tuaño, police chief ng GMA, humingi ng tulong ang mga residente kay Mayor Echevaria para sawatain ang suspek sa pambabato ng mga bahay at paghahamon ng away sa sinumang makasalubong sa kalsada.

Agad namang tinugon ng nasabing alkalde kasama ang tatlong sibilyang security aides ang kahilingan ng mga residente.

Bandang alas-8:30 ng umaga nang pasukin ni Mayor Echevaria ang bahay ng kanyang kaanak na si John upang pakiusapan, subalit sa pag-aakalang kalaban ang alkalde ay inundayan ito ng ilang saksak sa katawan.

Maagap naman ang mga security aide na sina Efren Mercader; George Templonuevo at Rufino Macalinao matapos na mabaril sa magkabilang kamay ang suspek at nailayo kay Mayor Echevaria.

Naisugod naman ang nasabing alkalde sa De La Salle University sa Dasmariñas, habang dinala naman ang suspek sa GMA Medical Hospital. (Ulat nina Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

vuukle comment

BARANGAY DE

CHIEF INSP

CRISTINA TIMBANG

DE LA SALLE UNIVERSITY

DE LA SALLE UNIVERSITY HOSPITAL

EFREN MERCADER

GENERAL MARIANO ALVAREZ

GEORGE TEMPLONUEVO

JOHN MEONADA

MAYOR ECHEVARIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with