Karnaper todas sa pulis
March 5, 2005 | 12:00am
BULACAN Binaril at napatay ang isang hindi kilalang lalaki ng tumutugis na pulis makaraang tangayin ng una ang nakaparadang scooter sa gasolinahang sakop ng Barangay Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan kamakalawa. Kasalukuyan pang bineberipika ang pagkikilanlan sa suspek habang nakilala naman ang pulis na si PO3 Virgilio Andal ng Barangay Banga 2nd, Plaridel, Bulacan.
Sa ulat na nakarating kahapon kay P/Supt. Ferdinando Sevilla, nagsagawa ng operasyon ng pulisya laban sa mga karnaper sa pamamagitan ng pain na scooter na ipinarada sa naturang lugar. Tinangay naman ng suspek ang ipinain na scooter hanggang sa magkahabulan. Imbes na sumuko ang suspek ay nakipagbarilan pa ito kaya napatay. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest