2 suspek sa rape-slay nadakma
January 16, 2005 | 12:00am
TUGUEGARAO CITY, Cagayan Bumagsak din sa kamay ng mga kagawad ng pulisya ang dalawang suspek na pinaniniwalaang responsable sa panggagahasa at pagpatay sa isang 2nd year student ng Cagayan National High School matapos malambat sa Barangay Bagumbayan, Tuao, Cagayan kamakalawa.
Ang dalawang suspek na iprinisinta ng mga awtoridad sa mga mamamahayag ay nakilalang sina: Venancio Ramirez, 18; at Jacob Cambri, 16, na kapwa naninirahan sa Barangay Annafunan West, Tuguegarao City.
Sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang nadakma ang mga suspek matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya sa kanilang asset na ang dalawa ay nagtatago sa nabanggit na barangay.
Ayon sa pulisya, ginahasa bago pinatay ang biktimang si Dinaroe Ancheta saka itinapon sa race track na sakop ng Barangay Caggay ng nabanggit na lungsod.
Sa awtopsya ng PNP Tuguegarao City, labis na pagpapahirap ang ginawang pagpatay sa biktima, kung saan lumalabas na sinakal pa ito ng kanyang palda, pinagpapaso rin ng sigarilyo ang ari nito at pinagkakagat ang buong katawan na naging sanhi para maputol ang mga utong.
Sa pahayag ni P/Supt. Joseph Penaflor, hepe ng Tuguegarao City PNP, halos 24-oras na walang tulog ang kanyang mga tauhan sa pagsubaybay sa dalawang suspek matapos silang bigyan ng ultimatum ni Cagayan Gobernor Edgar Lara para lutasin ang nasabing krimen.
Nagbigay naman ng gantimpala si Governor Lara ng P150,000 sa nakapagturo ng mga suspek para mabigyan ng hustisya ang biktima. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
11 hours ago
Recommended