^

Probinsiya

11-anyos nakaligtas sa mga kidnaper

-
CAMP CRAME – Himalang nakaligtas sa mga kamay ng kidnaper ang isang 11-anyos na batang babae makaraang makahingi ng tulong sa isang traysikel drayber ang biktimang sapilitang ipinapasok sa sasakyan ng mga hindi kilalang lalaki sa Barangay Dahilayan, Manolo Fortich, Bukidnon kamakalawa. Nakilala ang biktimang si Jessa Mae Batlawon na mag-aaral ng Dahilayan Elementary School.

Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 ng hapon habang papalabas ng nasabing eskuwelahan ang biktima ay hinablot ito ng isa sa mga kidnaper at sapilitang ipapasok sa nag-aabang na sasakyan. Aksidente namang may dumaang traysikel kaya nakahingi ng tulong ang biktima hanggang sa bitiwan ng mga kidnaper sa takot na madiskubre ang kanilang modus operandi.

Sa naging pahayag ng biktima, namataan niya ang isa pang batang may piring sa mga mata sa loob ng sasakyan ng mga kidnaper. Kasalukuyan namang inaalam ng pulisya kung may katotohanan ang binanggit ng biktima na isang menor-de-edad na hinihinalang dinukot din ng grupo. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

AKSIDENTE

ANGIE

AYON

BARANGAY DAHILAYAN

BUKIDNON

CRUZ

DAHILAYAN ELEMENTARY SCHOOL

HIMALANG

JESSA MAE BATLAWON

MANOLO FORTICH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with