23 katao tiklo sa jueteng
December 19, 2004 | 12:00am
LINGAYEN, Pangasinan Aabot sa dalawamput tatlong sibilyan ang dinakma ng mga kagawad ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na pagsalakay sa pinaniniwalaang jueteng den sa dalawang bayan sa Pangasinan kamakalawa.
Sa magkahiwalay na ulat, nasakote ang labimpitong sibilyan ng pinagsanib na puwersa ng pulis-Camp Crame at pulis-Sual matapos na salakayin ang lungga ng jueteng sa Barangay Caoayan, Sual, Pangasinan.
Anim-katao naman ang dinakma ng mga pulis-Crame at pulis-Labrador sa Barangay Magsaysay sa bayan ng Labrador na may ginaganap na bolahan ng jueteng.
Sa ulat, aabot sa P6,259 na taya, bungkos ng jueteng papelitos, gamit sa sugal at pitong bisikleta ang nakumpiska sa dalawang lungga ng pasugalan. Nagpapatuloy naman ang operasyon ng mga kagawad ng pulisya laban sa sugal na jueteng. (Ulat ni Cesar Ramirez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest