Magkaibigan napisak ng bato
October 10, 2004 | 12:00am
RAGAY, Camarines Sur Maagang kinalawit ni kamatayan ang magkaibigang lalaki makaraang madaganan ng malaking tipak ng bato habang naghuhukay sa gilid ng ilog na sakop ng Barangay Baya sa bayang ito kahapon ng umaga. Bandang alas-8 ng umaga nang mapisak ng bato ang mga biktimang sina: Domingo Lozares Jr., 45; at Edgar Andes, 44; na kapwa may asawa at residente ng nabanggit na barangay. Ayon sa ulat, bumuhos ang malakas na ulan habang naghuhukay ang dalawa at sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang gumulong ang malaking tipak ng bato mula sa itaas kaya nadaganan ang mga biktima. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended



















