^

Probinsiya

Dalaga ni-rape ng ka-text mate

-
SAN RAFAEL, BULACAN – Humantong sa pagkapariwara ang ginawang pakikipagdate ng isang dalaga sa isang 28-anyos na lalaking ka-textmate nito matapos halayin ng huli sa Brgy. Tambubong ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Lumuluhang dumulog sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Josielyn, 17, nakatira sa Brgy. Tarcan dito upang ipagharap ng reklamo ang suspek na kinilala namang si Bayani Cortez, may-asawa at residente naman ng Brgy. Poblacion, Baliuag ng lalawigang ito.

Nabatid sa imbestigasyon na ang insidente ay naganap dakong alas-2:30 ng hapon matapos na mag-date ang dalawa hanggang sa dalhin ng suspek ang biktima sa bahay ng kanyang kapatid at doon halayin ang dalaga.

Ang suspek ay nagpanggap pa umanong binata kaya naman pumayag ang biktima na makipag-date dito.

Kasalukuyan nang nakapiit ngayon ang suspek sa detention cell ng pulisya upang panagutan ang krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BALIUAG

BAYANI CORTEZ

BRGY

EFREN ALCANTARA

HUMANTONG

JOSIELYN

KASALUKUYAN

LUMULUHANG

NABATID

TAMBUBONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with