^

Probinsiya

5 mangingisda tiklo sa paggamit ng dinamita

-
SUBIC BAY FREEPORT – Limang kalalakihang mangingisda ang dinakip ng mga tauhan ng 3rd Regional Maritime Police Office makaraang maaktuhang gumagamit ng dinamita sa pangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Mabayo, Morong, Bataan kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni P/Insp. Noel Asis kay 3rd-Regional Maritime Police Office Director Senior Supt. Marco Abian, nakilala ang mga suspek na sina: Christopher Manacmol, 28, Delano Samonte, 42, Jesus Olan-Olan, 57, Ricardo Mecardos, 26 at Paquito Repil, 36 na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas-10 ng umaga habang nagsasagawa nang pagpatrulya sina PO1 Richard Rodriguez at Mariel Cuizon ng PNP-Maritime sa karagatang sakop ng Sitio Sabang, Barangay Mabayo ay nakarinig sila ng malalakas na pagsabog hindi kalayuan sa kanilang lugar.

Agad naman tinungo ng mga awtoridad ang nasabing lugar at naispatan ang mga suspek na nanghuhuli ng isda 50-metro ang layo mula sa dalampasigan ng Sitio Sabang, at nasa aktong gumagamit ng dinamita.

Tinangka pang tumakas ng mga suspek, subalit nakorner din matapos ang ilang minutong habulan.

Subalit bago tuluyang nadakip ng pulisya ang mga suspek ay mabilis na inihulog ng mga ito ang kanilang ginagamit na dinamita sa dagat na may pampabigat at ilan sa kanila ay nagtangka pang tumakas ngunit nakorner din ang mga ito.

Narekober ng mga awtoridad ang may 100-kilo ng maliliit na isda, ilang dipa ng oxygen hoses at dalawang motorized-banca na siyang ginagamit sa ilegal na pangingisda. (Ulat ni Jeff Tombado)

BARANGAY MABAYO

CHRISTOPHER MANACMOL

DELANO SAMONTE

JEFF TOMBADO

JESUS OLAN-OLAN

MARCO ABIAN

MARIEL CUIZON

NOEL ASIS

SITIO SABANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with