^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Inhinyero dinedo dahil sa ginto
NUEVA ECIJA – Isang 44-anyos na inhinyero ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki na nagbenta ng bara ng ginto sa biktima sa Barangay Singalat, Palayan City, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Iniwang nakabulagta sa gitna ng bukid ang biktimang si Alejandro Ignacio Jr. ng #220 Barangay Andal Alino, Talavera, Nueva Ecija. Samantalang tinutugis naman ang mga suspek na sina: Ramon Angel ng Sitio Tablang, Barangay Atate; isang alyas Ka Mando at dalawa pang kasamahan na hindi tinukoy ang mga pangalan. Base sa ulat ng pulisya, ang biktima ay inalok na bumili ng ginto ng mga suspek kaya naman sumama sa nabanggit na barangay dala ang malaking halaga. Dito na sinamantala ng mga suspek na paslangin ang biktima at tangayin pa ang P15,000 na pambayad sana sa ginto. (Ulat ni Christian Ryan sta. Ana)
1 pang ex-rebel nilikida
CAMARINES NORTE – Isa na naman dating rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob sa pamahalaan ang binaril at napatay ng kanyang kabaro habang ang biktima ay naghahapunan sa sariling bahay sa Sitio Resettlement, Barangay Matacong, San Lorenzo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa bunganga ng tama ng bala ng baril ang biktimang si Marcelino Andaya, 45, magsasaka ng nabanggit na barangay. Palakad namang lumayo mula sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang rebeldeng kabataan na animo’y walang nangyari. Magugunitang noong isang linggo lamang ay may itinumbang dating rebelde sa Barangay Salvacion sa sariling bahay. May teorya ang pulisya na mga dating kabaro ng mga biktima ang may kagagawan ng krimen upang sirain ang loob ng mga rebeldeng nagtatangkang magbagumbuhay. (Ulat ni Francis Elevado)
Mag-ina grabe sa saksak ng mister
ALBAY – Pinaniniwalaang matinding selos ang umiral kaya nasaksak at nasa kritikal ang mag-ina ng sariling mister makaraang magkainitan sa loob ng kanilang bahay ang mag-asawa sa Barangay Pantao, Libon, Albay kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Pantao District Hospital ang mag-inang Nelly Secreto at Rodolfo Secreto, 25, binata, ng nabanggit na barangay. Agad namang sumuko ng suspek na si Torquato Secreto, 56, magsasaka, matapos na isagawa ang krimen dakong alas-6 ng gabi. Ayon sa pulisya, Uminom muna ng alak ang suspek bago nakipagtalo sa kanyang asawa tungkol sa masamang balitang kumalat hanggang sa undayan ng saksak ng lalaki ang kanyang misis. Namataan naman ng anak na lalaki kaya tinulungan ang ina, subalit nasaksak din ito. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALEJANDRO IGNACIO JR.

BARANGAY

BARANGAY ANDAL ALINO

BARANGAY ATATE

BARANGAY MATACONG

BARANGAY PANTAO

BARANGAY SALVACION

NUEVA ECIJA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with