^

Probinsiya

Magbiyenan tiklo sa buy-bust

-
CAMP CRAME – Nahulog sa kamay ng batas ang magbiyenang itinuturing na notoryus na drug pusher sa isinagawang buy-bust operations ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sultan Kudarat, Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina: Jimmy Gomez, alyas Jimmy, 17, may-asawa, dispatcher at residente ng Simuay, Sultan Kudarat ng nasabing lalawigan at ang biyenan nitong si Bai Karim alyas Bai.

Sa ulat ni PDEA Executive Director General Undersecretary Anselmo Avenido, ang mga suspek ay nasakote sa isinagawang buy-bust operations ng mga elemento ng PDEA Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) bandang alas-2 ng hapon.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang 0.5 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.

Nabatid na si Gomez ay dati na ring nasakote sa kasong drug pushing noong Oktubre 18, 2003 matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng 100 gramo ng shabu sa isang poseur buyer ng PDEA pero nakalaya rin at isinailalim sa kustodya ng kanyang tiyuhin na si Usman Karim sa kautusan ni Prosecutor Enok Dimraw, Officer-in-Charge, Maguindanao Provincial Prosecutor’s Office. (Joy Cantos)

AUTONOMOUS REGION

BAI KARIM

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ANSELMO AVENIDO

JIMMY GOMEZ

JOY CANTOS

MAGUINDANAO PROVINCIAL PROSECUTOR

MUSLIM MINDANAO

PROSECUTOR ENOK DIMRAW

SULTAN KUDARAT

USMAN KARIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with