^

Probinsiya

Bangkay ng Pentagon lider huhukayin

-
CAMP CRAME – Nagkadurug-durog ang bangkay ni Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) leader Commander Tahir Alonto matapos ang ‘air strike operations’ sa hideout nito sa Liguasan Marsch, Brgy. Midpandakan, Salipadan Pendatun, Maguindanao noong nakalipas na Biyernes.

Ito ang nabatid kahapon kay Major General Raul Relano, Chief ng Army’s 6th Infantry Division (ID) base sa pahayag ng kanilang tipster na nagturo mismo sa pinagtataguan ng grupo ni Alonto at ng armado nitong close-in-security escort.

Ayon kay Relano, kinumpirma ng kanilang tipster na nasa loob ng kanyang hideout si Alonto nang mangyari ang bombahan. Sinabi nito na kung pagbabasehan ang ‘video footage’ na nakunan sa lugar ay malaki nga ang posibilidad na nagkalasug-lasog ang bangkay ni Alonto at imposible nang mabuhay pa ito sa nasabing ‘air strike operations.

Ang bangkay ni Alonto kasama ang may 15 pa nitong tauhan ay agad na inilibing sa Sitio Tatak ilang oras matapos ang bombahan ng MG 520 attack helicopter ng Phil. Air Force (PAF).

Sa kasalukuyan, ayon kay Relano ay patuloy ang kanilang operasyon upang mahukay ang bangkay ni Alonto para patunayan na talagang napatay ito sa inilunsad na ‘air strike operations.’

Gayunman, nilinaw ni Relano na sakaling di na makilala ang bangkay ni Alonto ay isasailalim sa ‘forensic examination. (Ulat ni Joy Cantos)

AIR FORCE

ALONTO

COMMANDER TAHIR ALONTO

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

LIGUASAN MARSCH

MAJOR GENERAL RAUL RELANO

RELANO

SALIPADAN PENDATUN

SITIO TATAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with