^

Probinsiya

Sex Bomb dancer hinipuan sa mall

-
CAINTA, Rizal – Arestado ang isang 28-anyos na drayber makaraang hindi ito makapagpigil at hipuan sa maseselang bahagi ng katawan ang isang dancer ng Sex Bomb sa loob ng Sta. Lucia Mall sa Brgy. Sto. Domingo ng bayang ito kahapon ng tanghali.

Ang biktima na luhaang dumulog sa Cainta police station ay itinago sa pangalang Margie, residente ng F. Manalo St. Sta. Ana Manila, lumalabas sa noontime show na "Eat Bulaga."

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Dexter Quinto, residente ng Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Cenet Reyes, dakong alas-12:45 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng Sta. Lucia Mall sa kanto ng Marcos Hi-way at Felix Avenue Brgy. Sto. Domingo ng nasabing bayan.

Nabatid na galing sa taping sa di kalayuan sa lugar ang biktima at ipinasya muna nitong mamili ng mga personal na gamit sa loob ng Watson’s Boutique sa 2nd level ng nasabing mall.

Paglabas ng biktima sa nasabing botique ay laking gulat nito ng bigla siyang lapitan ng suspek at pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan.

Inamin naman ng suspek ang kasalanan at sinabi nitong idol niya talaga si Margie at lagi umano itong nanonood ng "Eat Bulaga" para lang makita itong sumayaw. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ANA MANILA

ANTIPOLO CITY

ARESTADO

BRGY

CENET REYES

DELA PAZ

DEXTER QUINTO

DOMINGO

EAT BULAGA

LUCIA MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with