^

Probinsiya

Reyna ng shabu hinatulan ng bitay

-
CAVITE – Kahit naging mabagal ang gulong ng katarungan laban sa mga nagtutulak ng droga sa Cavite ay muli na namang umiral ang batas matapos na hatulan ng bitay ng mababang korte ang isang babae na napatunayang nakumpiskahan ng sangkilong shabu sa Tanza, Cavite noong Oktubre 19, 1999.

Sa sampung pahinang desisyon na nilagdaan ni Judge Aurelio G. Icasiano Jr. ng Trece Martirez City Regional Trial Court Branch 23, pinatawan ng hatol na kamatayan noong Agosto 6, 2004 ang akusadong si Caroline A. Santos.

Bukod sa hatol na bitay ay pinagbabayad ang akusado ng P.5-milyon.

Base sa record ng korte, nasakote si Santos sa isinagawang buy-bust operation makaraang maging poseur buyer si SPO2 Geronimo Pastrana sa bahaging sakop ng Barangay Poblacion, Tanza, Cavite.

Agad na iniabot ni Santos ang pakete ng sangkilong shabu kay Pastrana sa loob ng sasakyan kapalit ng P75,000 hanggang sa masakote ang akusado.

Sa alibi ni Santos, sinabi nito na bumibili lamang siya ng pagkain nang kaladkarin siya ng mga awtoridad at frame-up lamang ang pangyayari.

Binalewala naman ni Judge Icasiano Jr. ang alibi ng akusado, bagkus ay nagwikang kasabwat ni Santos ang kanyang asawang si Eddie V. Basa sa pagtutulak ng droga.

Awtomatiko namang isusumite sa Supreme Court ang naging desisyon ni Judge Icasiano para rebisahin. (Ulat ni Mario D. Basco)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

CAROLINE A

CAVITE

EDDIE V

GERONIMO PASTRANA

ICASIANO JR.

JUDGE AURELIO G

JUDGE ICASIANO

JUDGE ICASIANO JR.

MARIO D

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with