^

Probinsiya

Taong-kalabaw isinilang

-
CAGAYAN – Kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga residente ang bagong silang na taong kalabaw na inaalagaan ng isang magsasaka sa Barangay Cattaran, Solana sa lalawigang ito.

Base sa sinabi ni Superintendent Rodrigo De Gracia, police provincial commander ng Cagayan, nakatanggap ang kanyang opisina ng impormasyon tungkol sa isang kalabaw na isinilang na may ulo ng tao na pinagkakaguluhan ng mga tao may dalawang araw na ang nakakalipas kung kaya’t agad niyang pinuntahan ang naturang lugar.

Dakong alas-11:30 ng umaga nang personal na masaksihan ni De Gracia ang kakaibang anyo ng bagong silang na kalabaw sa likurang bahagi ng bahay ng isang nagngangalang Tony Baggay sa nabanggit na barangay.

Sa pagsasalarawan ni De Gracia, ang babaeng sanggol na kalabaw na tinawag na Sharon ng mga kanayon ay may normal na pangangatawan tulad ng ordinaryong hayop sa bukid, subalit ang hugis ng ulo ay walang pinagka-iba sa ulo ng tao.

Iginiit pa niya na ang mga mata ng 4-araw na gulang na kalabaw ay tulad sa mata ng isang tao na may itim sa gitna at puti sa paligid nito, maging ang ibang bahagi ng ulo tulad ng ilong, tenga at bibig ay sadyang iba maliban lamang sa mga balahibo na bumabalot sa buong kalabaw.

Malakas naman ang suspetsa ng mga residente na ang inang kalabaw ay hinalay ng hindi kilalang lalaki kaya lumabas ang taong kalabaw.

Sa kasalukuyan ay nagiging palaisipan sa mga residente ang kakaibang anyo ng kalabaw na pinaniniwalaang magdadala ng salot o suwerte sa kanilang kabuhayan. (Ulat ni Victor Martin)

BARANGAY CATTARAN

DAKONG

DE GRACIA

IGINIIT

KALABAW

KASALUKUYANG

SUPERINTENDENT RODRIGO DE GRACIA

TONY BAGGAY

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with