Radio reporter na binaril ng alalay ni Pacquiao,patay na
August 10, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Sumakabilang buhay na ang radio reporter na binaril sa mukha ng isang ex-Army Sgt. na bodyguard ni Boxing Champion Manny Pacquiao sa naganap na insidente sa General Santos City noong Linggo ng madaling-araw.
Batay sa ulat, bandang alas-11:25 ng umaga kahapon nang malagutan ng hininga ang biktimang si Jonathan "Jun" Abayon, 25, reporter ng dzBB RGMA Super Radyo na nakabase sa lungsod.
Si Abayon ay nasawi matapos ang ilang oras na pagkakaratay sa General Santos City Hospital nang ma-comatose ng isang tama ng bala ng .45 caliber baril mula sa pagkakabaril ng alalay ni Pacquiao na si William Bael.
Nabatid na si Abayon ay sumailalim sa maselang operasyon at itinuring na clinically dead bunsod ng di pagtugon ng kaniyang mga nerve reflexes base na rin sa pahayag ng sumuring espesyalista na si Dr. Genaro Valencia, attending physician ng biktima.
Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad si Bael na agad na tumakas matapos ang krimen.
Kaugnay nito sa isang radio interview ay itinanggi ni Pacquiao na sa kasalukuyan ay alalay niya si Bael, bagkus ay nagsilbi lamang ito bilang kanyang security escort.
Samantala, pinawi naman ng Cotabato police ang unang mga haka-haka na isang paninikil sa larangan ng pamamahayag ang pagkakapaslang kay Abayon na lumilitaw na isang personal na alitan sa pagitan ng biktima at ng suspek.
Nangako rin ang pulisya na bibigyang hustisya ang pagkamatay ni Abayon kayat puspusan ang kanilang operasyon upang madakip ang suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest