US Army commander nakipagkita sa milf leader
August 8, 2004 | 12:00am
Camp Aguinaldo Sa kauna-unahang pagkakataon, nakipagkita ang Commander ng US Army Special Forces sa lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay ng isinasagawang RP-US training exercise sa Carmen, North Cotabato, ayon sa isang opisyal ng militar kahapon.
Sinabi ni Brig. Gen. Alexander Yano, ang bagong talagang Ceasefire Committee ng gobyerno, maayos naman ang naging pagkikita nina Benjie Midtimbang, Ceasefire Committee Chief ng MILF at Major Robert Ball ng US Army Special Forces.
Nabatid na ang nasabing pagkikita ng rebel leader at ng opisyal ng militar ng Estados Unidos ay bilang paniniyak lamang ng liderato ng separatistang mga rebeldeng Muslim na hindi sila ang target ng isinasagawang Balance Piston sa pagitan ng tropang gobyerno at ng counterpart nitong mga sundalong Amerikano.
Ang pagkikita ng mga ito ay naganap noong isang araw lamang sa Camp Lucero na siyang base ng Armys 602nd Brigade sa bayan ng Carmen, Cotabato kung saan ginaganap ang Balance Pistol sa pagitan ng dalawang magkaalyadong puwersa ng militar na inumpisahan noong Agosto 6 at tatagal hanggang ika-13 ng buwang kasalukuyan.
Magugunita na bago ganapin ang RP-US joint military exercises sa bayan ng Carmen ay nagpahayag ng pangamba ang MILF na makaapekto ito sa pagpapatuloy muli ng peace talks sa pagitan ng magkabilang panig. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
July 8, 2026 - 12:00am