^

Probinsiya

3 sibilyan minasaker ng milf rebels

-
Camp Aguinaldo – Tatlong sibilyan ang nasawi makaraang bistayin ng bala ng 20 armadong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang nangingisda sa balwarteng teritoryo ng mga rebelde sa naganap na masaker sa Midsayap, Cotabato kamakalawa.

Ito’y sa kabila ng isinusulong na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng grupo ng separatistang mga rebelde. Ang mga nasawi ay nakilalang sina Salem Gambong, 19; Kamsa Gambong, 32; at Kaisa Talusan, 29.

Batay sa ulat, dakong alas-5 ng umaga habang namimingwit ng isda ang mga biktima lulan ng isang bangka sa ilog ng Brgy. Malingao, Midsayap, Cotabato nang pagbabarilin ng mga tauhan ni MILF Commander Saamal Masgal, aktibong kumikilos sa naturang lugar.

Bago tuluyang nagsitakas ay hinarass din ng grupo ni Masgal ang limang pamilya na naninirahan sa lugar na hinostage ng mga ito sa loob ng dalawang oras.

Lumilitaw sa pangunang imbestigasyon ng mga awtoridad na paghihiganti ang motibo ng nangyaring pamamaslang dahilan marami sa mga tauhan ni Masgal ay napaslang sa pakikipagsagupa sa tropa ng militar kung saan ay ibinubunton ng mga ito ang sisi sa mga inosenteng sibilyan.

Naglunsad na ng hot pursuit operations ang tropa ng militar laban sa grupo ng mga rebeldeng MILF na responsable sa insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP AGUINALDO

COMMANDER SAAMAL MASGAL

COTABATO

JOY CANTOS

KAISA TALUSAN

KAMSA GAMBONG

MASGAL

MIDSAYAP

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with