^

Probinsiya

8 anti-drug intelligence operatives, sinibak

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Sinibak sa puwesto ang walong miyembro ng anti-drug intelligence unit ng Lucena Police Station dahil sa pagkuha umano ng mga personal na gamit ng mga kaanak ng naarestong drug suspect ng mga pulis sa Barangay Cotta, Lucena City, Quezon.

Kinilala ang mga sinibak na pulis na sina Exe­cutive Master Sergeant Ariel Argosino, Master Sergeant Mark Lusanta, Staff Sergeant Rozeen Simon, Corporals Maria Bustos, Romil Fruelda, Mac Gyner Trajano, Edward Lloce, at Patrolman Jervin Gulpane na pawang nakatalaga sa Lucena Intelligence Unit.

Pansamantalang itinapon sila sa Provincial Holding and Accoun­ting Service sa Que­zon Provincial Police Office habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng National Police Commission-CALABARZON at Quezon Provincial Investigation and Detection Unit para sa kasong administratibo.

Ang pagsibak ay buhat sa kautusan sa Office of the Quezon Provincial Director, Col. Romulo Albacea at nilag­daan ni Lt. Col. Arvin Asis, Deputy Provincial Director for Administration noong Miyerkules.

Anim sa walong pulis, unang kinilala ng tatlong complainant sa police line-up na isinagawa ng Napolcom4A sa pangunguna ng regional director nitong si Owen De Luna mismo sa kanilang istasyon.

Sinabi ni De Luna na ang maling gawain ng mga sangkot na pulis ay isang seryosong bagay na kailangang tugunan upang maiwasan at hindi na maulit muli.

Sinabi ng mga complainant na nanatili ang grupo ng pulisya sa bahay ng ilang oras, gamit ang lugar upang mag­luto ng adobo na pagkain, kumain, inumin, at magpahinga habang naka-aircon.

Iginiit din nila na ang iba pang mga gamit tulad ng laptop, dalawang cellphone, at maliit na halaga ng pera ay kinuha.

Sinabi ni Lt. Col. Ryan Hernandez, hepe ng Lucena City police, na lehitimo ang drug operasyon, subalit, ayon kina Albacea at Hernandez na hindi nila kukunsintihin ang maling­ gawain ng kanilang police personnel, kung mapatunayang manana­got at may probable cause, haharap sila sa kasong administratibo.
 

ANTI-DRUG INTELLIGENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with