Estudyante nasalpok ng bus
July 30, 2004 | 12:00am
NUEVA ECIJA Isang 16-anyos na batang lalaki ang iniulat na nasawi makaraang mabundol ng mini bus habang pinupulot ang nahulog na tsinelas sa kahabaan ng Nueva Ecija-Aurora Road na sakop ng Sitio Salubungan, Barangay Imelda Valley, Palayan City kamakalawa ng hapon.
Binawian ng buhay sa ospital ang biktimang si Bernardo Leaño y Olimon, 4th year high school at naninirahan sa Barangay Bagong Sikat, Cabanatuan City. Ang biktima na nakasakay sa handtractor at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang suot nitong tsinelas kaya agad na bumaba. Hindi naman napansin ng drayber ng Eugene Transport Bus (CVC-986) na si Carlos Mariano kaya naganap ang sakuna. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am