^

Probinsiya

Pamilya ng pulis, natusta sa sunog

-
CAMP CRAME – Natusta sa sunog ang mag-iina ng isang kagawad ng pulisya habang nagtamo naman ito ng 3rd degree burn matapos na aksidenteng masunog ang kanilang tahanan sa Parang, Maguindanao kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Roberta Abrilla, 43; mga anak na sina Rupert, 17 at Maria Loramae, 19 taong gulang.

Ang mga biktima ay halos di na makilala sanhi ng grabeng pagkasunog ng kanilang mga katawan.

Nagtamo naman ng 3rd degree burn ang padre de pamilya na si SPO2 Petronillo Abrilla Jr., matapos tangkaing iligtas ang kanyang mag-iina.

Base sa ulat na tinanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., pasado alas-3:45 ng madaling-araw habang mahimbing na natutulog ang pamilya sa kanilang bahay sa tabi ng Narciso Ramos Highway, Poblacion 1, Parang, Maguindanao nang mangyari ang sunog.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat, nag-overheat ang electric fan ng pamilya na siyang pinagmulan ng sunog na kumitil sa buhay ng mga biktima at dahil yari sa mahinang klase ng materyal ang tahanan ng mga ito ay mabilis na kumalat ang apoy.

Ayon sa mga awtoridad electric short circuit ang sanhi ng sunog na tumagal lamang ng wala pang 30-minuto, samantalang tinataya namang aabot sa P2 milyon ang naging pinsala sa ari-arian ng pamilya.(Ulat ni Joy Cantos)

CHIEF P

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MARIA LORAMAE

NARCISO RAMOS HIGHWAY

PETRONILLO ABRILLA JR.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROBERTA ABRILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with