4 grabe sa sumabog na granada
July 20, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO - Apat na sibilyan ang iniulat na nasa kritikal na kondisyon makaraang tamaan ng sharpnel mula sa sumabog na granada sa kahabaan ng main road malapit sa kompanya ng minahan sa Mt. Diwata, Monkayo, Compostella Valley kamakalawa. Kabilang sa mga biktimang ginagamot ngayon sa ospital ay nakilalang sina: Nimfa Salisi, Joel Finamasa, Dodoy Crausus at Darwin Detal na pawang naninirahan sa Purok 3 sa nasabing lugar.
Base sa ulat, bandang alas-2:15 ng madaling-araw kamakalawa nang hagisan ng granada ang mga biktima ng hindi kilalang lalaki. May teorya naman ang pulisya na kapwa minero na may matinding galit ang gumawa ng krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am