^

Probinsiya

Mag-iinang dinukot nasagip

-
CAMP CRAME – Nailigtas ng mga awtoridad ang dinukot na mag-iina matapos na maharang ang behikulong sinasakyan ng di pa nakilalang armadong grupo na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isinagawang rescue operation sa lalawigan ng Laguna kamakalawa.

Kinilala ang mga nasagip na biktima na sina Milan Ilagan, 42; dalawang anak nitong sina: Marivic Ylagan, 7 at Aileen, 12; pawang residente ng Balagtas sa lungsod ng San Pablo.

Batay sa ulat, bandang alas-9:45 ng gabi nang dukutin ng mga suspek ang mag-iina sa kahabaan ng Azucena St. San Pablo City, Laguna.

Nabatid na ang mag-iina ay kasalukuyang pasakay na ng kanilang Adventure van na may plakang VBZ 858 nang harangin ng mga armado at maskaradong kalalakihang minaniobra ang kanilang sasakyan patungo sa direksiyon ng Tiaong, Quezon.

Isa sa mga suspek ay nagpakilalang alyas Ka Marlon at sinabi nito na sila’y mga miyembro ng mga rebeldeng NPA.

Ang mga suspek ay humihingi umano ng pera, salapi at pagkain kapalit ng pagpapalaya sa mag-iina.

Agad namang naiulat sa mga awtoridad ng ilang concerned citizens ang insidente kaya mabilis nagsagawa ng pursuit operations.

Sa takot namang masukol ng tumutugis na mga operatiba ng batas ay agad nagtalunan ang mga kidnappers at inabandona ang kanilang mga biktima na matagumpay na nailigtas. (Ulat ni Joy Cantos)

AILEEN

AZUCENA ST. SAN PABLO CITY

BALAGTAS

JOY CANTOS

KA MARLON

MARIVIC YLAGAN

MILAN ILAGAN

NEW PEOPLE

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with