Lolo tinodas dahil sa utang
July 7, 2004 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinaniniwalaang tumangging magbayad ng utang sa biniling isda kaya hinampas ng bato sa ulo at napatay ang isang 70-anyos ng isang tindero ng isda sa Barangay Suwa, San Fernando, Masbate kamakalawa. Basag ang bao ng ulo ng biktimang si Pio Bartular, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay. Sumuko naman ang suspek na si Danilo Angustia, 38, ng Barangay Talisay ng nasabing bayan. Base sa ulat ng pulisya, sinisingil ng suspek ang biktima sa pagkakautang subalit tumanggi ang matanda na magbayad hanggang sa magkainitan at nauwi sa pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest





















