Misis itinumba ng sariling mister
July 7, 2004 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 39-anyos na misis ng sariling mister makaraang mabistong dinalaw ng biktima ang kanyang kalaguyo kahapon ng umaga sa Barangay Mambugan ng lungsod na ito.
Napuruhan ang biktimang si Gina Duarte matapos na undayan ng tatlong saksak ng suspek na si Melchor Duarte, 45, at kapwa residente ng Purok Maligaya 2, Brgy. Mambugan ng lungsod na ito.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-9:45 ng umaga sa bahay ng mag-asawa.
Kinompronta ng lalaki ang biktima na kararating pa lamang ng kanilang bahay.
Dahil sa mainitang pagtatalo tungkol sa ginawang pagdalaw sa ospital ng biktima sa kalaguyong si Ernesto Salazar ay nagawang saksakin ng lalaki ang sariling misis. Napag-alamang si Salazar ay nabaril na ng suspek dahil sa naaktuhang nakikipaghalikan sa biktima kamakalawa ng gabi.
Matapos na maisagawa ang krimen ay tinangkang tumakas ng suspek, subalit agad ding naaresto ng mga rumespondeng kagawad ng pulisya.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek at inihahanda na ang kaukulang kaso. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest