Crane bumagsak: 1 patay, 31 sugatan
July 7, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Napisak ang katawan ng isang lalaki habang umaabot naman sa 31 katao ang nasugatan makaraang aksidenteng bumagsak ang hydraulic crane na may binubuhat na andamyo sa Keppel Cebu Shipyard sa Lapu-Lapu City noong Lunes ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyong nakarating sa PNP, isa ang nasawi at 31 ang nasugatan sa ginagawang paglilipat ng crane sa M/V SuperFerry 12 mula sa barko patungo sa pampang.
Ang insidente ay naganap bandang alas-11:45 ng umaga malapit sa gate ng nasabing shipyard sa Brgy. Look.
Nabatid na nakatakda sanang mananghalian ang mga biktima mula sa kanilang pagkukumpuni sa sirang barko ng WG&A na nakadaong sa Keppel Cebu Shipyard nang maganap ang sakuna.
Kinilala ang nasawi na si Pablito Roque, 47, engine crew member na agad binawian ng buhay matapos na mapuruhan sa pagbagsak ng hydraulic crane.
Halos lahat ng crew member, maliban sa tatlo na nilapatan ng lunas bilang mga out-patient ay pawang nakaratay ngayon sa Mactan Doctors Hospital at Chong Hua Hospital sa Cebu City.
Subalit mahigpit pa ring tinututukan ng kapulisan ang insidente dahil hindi lamang umano isa ang nasawi sa aksidente at posibleng itinatago lamang ng nasabing kumpanya.
Ayon sa paunang imbestigasyon, sinabi ng isa sa mga sugatan na nakita niyang may dalawa pa siyang kasamahan na namatay on-the-spot.
Nabatid na binuhat ng crane ang gangway na kinaroroonan ng manggagawa mula sa SuperFerry 12 para mag-lunch break nang mawalan ito ng balanse at bumagsak.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na sakuna. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest