^

Probinsiya

Pari binaril ng cellphone snatchers

-
Camp Crame – Hindi man lamang iginalang ng dalawang notoryus na snatchers ang isang alagad ng simbahan matapos na barilin ang isang bagitong pari nang tumangging ibigay ang kanyang cellphone sa Cebu City nitong Biyernes ng umaga.

Ang biktimang kinilalang si Fr. Minar Balili, 27-anyos na naordinahan lamang sa pagka-pari nitong Hunyo 22 ay pinagbabaril may 10 kilometro ang layo sa tirahan ni Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng D. Jakosalem St., Cebu City at nagti-text nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo na pilit inaagaw ang Nokia 3650 ng pari.

Tumanggi ang pari na ibigay sa mga snatchers ang kanyang cellphone kung saan ay mabilis itong nagtatakbo subali’t hinabol pa rin ng mga suspek.

Nadapa ang pari at dito’y binaril ito ng nairitang mga suspek saka inagaw ang kaniyang cellphone.

Ang biktima ay masuwerte namang tinamaan lang sa kanang palad nang magmintis ang pagbaril dito ng mga suspek at mabilis na isinugod sa Perpetual Succor Hospital ng lungsod para malapatan ng lunas. Tumakas naman ang mga suspek patungo sa direksiyon ng Rosario St. ng lungsod.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Archbishop Cardinal Vidal sa pulisya na magsagawa ng pagpapatrulya dahil sa talamak na cellphone snatching at holdapan sa nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

ARCHBISHOP CARDINAL VIDAL

BATAY

CAMP CRAME

CEBU ARCHBISHOP RICARDO CARDINAL VIDAL

CEBU CITY

JAKOSALEM ST.

JOY CANTOS

MINAR BALILI

PERPETUAL SUCCOR HOSPITAL

ROSARIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with