^

Probinsiya

Abu muling mangingidnap ng mga guro

-
ZAMBOANGA CITY – Lalong hinigpitan ang seguridad sa mga isla ng Basilan makaraang makatanggap ng ulat ang pulisya at militar na muling mangingidnap ang grupong Abu Sayyaf ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ang ulat ay kinumpirma naman ng mga opisyal ng kolehiyo sa nabanggit na isla, subalit ikinokonsiderang hindi na bago ang banta laban sa mga guro at estudyante.

Sa radyo RGMA noong Huwebes, sinabi ni Luningning Misuares, presidente ng Basilan State College, na ang pagbabanta ng mga bandido laban sa mga guro ay hindi na bago sa kanilang pandinig. "It just come and go," dagdag pa ni Misuares.

Ayon kay Supt. Bensali Jabarani, Basilan police director, ang banta ng mga bandido ay naharang ng mga residente at lihim na ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Base sa nakalap na intelligence report, pangungunahan ang pagdukot sa mga guro ng isang Abu Black at anim na kasamahang bandido na pinaniniwalaang kabilang sa 53 pugante mula sa Basilan provincial jail noong Abril 10, 2004.

Sinabi pa ni Jabarani, lahat ng guro na nakatalaga sa liblib na bahagi ng Basilan ay guwardiyado ng mga kagawad ng pulisya, samantalang ang tropa ng militar naman ay patuloy na sinusuyod ang mga lugar na may banta ng karahasan.

Noong Marso 2000 ay dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf ang anim na guro kabilang na ang isang pari mula sa bayan ng Tumahubong, Sumisip saka pinaslang. (Ulat ni RDP)

ABRIL

ABU BLACK

ABU SAYYAF

AYON

BASILAN

BASILAN STATE COLLEGE

BENSALI JABARANI

LUNINGNING MISUARES

NOONG MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with