^

Probinsiya

Grade 1 pupil napatay ng ama

-
CABANATUAN CITY – Isang grade 1 pupil ang iniulat na nasawi makaraang mabagok ang ulo nito sa sahig nang pagbuhatan ng kamay ng sariling ama sa Cecilia Village Barangay Barrera ng lungsod na ito noong Sabado ng gabi.

Agad naman isinugod sa Dr. Paulino Garcia Hospital ang biktimang si Arman Carlo Villarosa, subalit idineklarang patay ng doktor sanhi ng pagkakabagok ng ulo sa sahig. Ipinagbigay-alam naman ng naturang ospital sa himpilan ng pulisya ang insidente kaya sa mismong pagamutan inaresto ang suspek na 39-anyos na inhinyerong si Norman Villarosa.

Napag-alaman pa sa ulat na ang ina ng bata ay kasalukuyang nasa United Arab Emirates at naninilbihan bilang nurse.

Base sa ulat ng pulisya, lumaki ang bata sa lola na si Estrelita Duya ng Mexico, Pampanga hanggang sapilitang kunin ng suspek at iuwi sa Cabanatuan City noong Mayo 20, 2004 saka ipinasok sa paaralan.

May teorya ang pulisya na dahil sa labis na pangungulit ng bata sa sariling ama na ibalik sa lola sa Pampanga kaya nagawang saktan ng ama na humantong sa di-inaasahang insidente. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ARMAN CARLO VILLAROSA

CABANATUAN CITY

CECILIA VILLAGE BARANGAY BARRERA

CHRISTIAN RYAN STA

DR. PAULINO GARCIA HOSPITAL

ESTRELITA DUYA

IPINAGBIGAY

NORMAN VILLAROSA

PAMPANGA

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with