^

Probinsiya

2 sibilyan dedo,5 grabe sa sakuna

-
BALANGA CITY, Bataan – Dalawang drayber ng motorsiklo ang kumpirmadong nasawi samantalang lima naman ang malubhang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa Dinalupihan at Limay, Bataan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Sahiron D. Salim, Bataan police director, ang dalawang namatay na sina: Albert Tolentino, 32, may asawa, ng Barangay Tucop, Dinalupihan, Bataan; at Rodel Nacional, 18, binata, ng Barangay St. Francis II, Limay, Bataan.

Sina Tolentino at Nacional ay idineklarang patay sa Dinalupihan District Hospital at Bataan General Hospital, ayon sa pulisya.

Kabilang naman sa malubhang nasugatan ay nakilalang sina: Rolly Sebastian, Alex Mallari, Carlos Beltran, Joel Cruz, at Andrew Nacional.

Lumilitaw sa pagsisiyasat, ang unang sakuna ay naganap sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Sta. Isabel, Dinalupihan.

Bumangga ang minamanehong Nissan Safari (XNA 642) ni Engineer Dustin Espiritu sa kasalubong na tatlong motorsiklo habang patungo sa Manila mula sa Olongapo City.

Kasunod nito, nahagip naman ang motorsiklo ni Nacional ng pampasaherong dyip na minamaneho ni Joel Cruz sa national road na sakop ng Barangay St. Francis II, Limay, habang patungo sa bayan ng Orion, Bataan.

Sasampahan ng kaukulang kaso si Espiritu sa Bataan Municipal Trial Court. (Ulat ni Jonie Capalaran)

ALBERT TOLENTINO

ALEX MALLARI

ANDREW NACIONAL

BARANGAY ST. FRANCIS

BARANGAY STA

BARANGAY TUCOP

BATAAN

BATAAN GENERAL HOSPITAL

DINALUPIHAN

JOEL CRUZ

LIMAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with