P1-M kargamento hinaydyak
June 18, 2004 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Umaabot sa P1- milyong kargamento ang iniulat na hinaydyak ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa naganap na kaharasan sa kahabaan ng General Emilio Aguinaldo Highway na sakop ng Barangay Niog, Bacoor, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Naitala ng pulisya ang krimen dakong ala-una ng madaling-araw makaraang harangin ng kulay puting van ang trak (BBB-262) na minamaneho ni Arnel de Guzman.
Matapos na harangin ang trak na naglalaman ng 10,000 pirasong bakal ay ibinaba si De Guzman sa bahagi ng Barangay Paliparan, Dasmariñas, Cavite.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, na ang kargamento ay nakatakda sanang dalhin sa Trece Martirez City, Cavite nang harangin ng mga maninikwat. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest