2 bangkay natagpuan sa kotse
June 6, 2004 | 12:00am
Dasmariñas, Cavite Natagpuang patay na pawang tadtad ng mga tama ng bala sa katawan at mukha ang dalawa katao sa loob ng isang nakaparadang kotse sa hangganan ng Brgy. Datu Esmael at Brgy. Esteban sa bayang ito kamakalawa.
Isa sa mga biktima ay kinilala ng pulisya na si Jonathan Dino, nasa hustong gulang ng Biñan, Laguna habang inaalam pa ang pangalan ng kasama nitong babae na tinatayang nasa pagitan ng 40-45 anyos, mestisa at katamtaman ang pangangatawan.
Sa nakalap na report kay P/Chief Insp. Antonio Yarra, hepe ng Dasmariñas Police, ganap na alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang dalawang bangkay sa loob ng Mitsubishi Lancer box-type na may plakang PBS-170 sa nasabing lugar.
Narekober sa loob ng sasakyan ng mga biktima ang mga basyo ng bala ng caliber 30 , caliber . 45 pistol at cal. 32 at nakuha rin ang drivers license ni Dino kaya nakilala ito.
Pinaniniwalaan namang dalawa hanggang apat na katao ang may kagagawan sa krimen.
Sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng follow-up operations ang pulisya para sa ikalulutas ng kaso.
Samantala, inalaam din kung may kinalaman sa onsehan sa droga ang pagpatay sa mga biktima. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended