Mayor na binaril sa ari ni misis,patay na
June 6, 2004 | 12:00am
Camp Crame Makalipas ang tatlong araw na pagkakaratay sa pagamutan, sumakabilang buhay na ang isang alkalde na binaril sa ari ng kanyang misis dahil sa matinding selos sa Tiboli, South Cotabato kamakailan.
Sa report, si Tiboli Mayor Sarse Atam, 52- anyos ay namatay dakong alas-12:15 ng madaling- araw kahapon matapos na ma-comatose sa Elizabeth General Hospital sa General Santos City dahil sa tinamong tatlong tama ng bala sa katawan, partikular na sa maselang bahagi nito.
Ang labi ng biktima ay nakatakdang iuwi ng kanyang mga kamag-anak sa kanilang bayan para iburol sa munisipyo ng Tiboli bilang pagbibigay-pugay sa incumbent mayor ng naturang bayan.
Nagluluksa naman ang mga constituents ng alkalde dahil sa sinapit nito na nagsilbi sa kanilang bayan sa loob ng dalawang termino.
Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ng Tiboli Municipal Police Station (MPS) ang misis ng biktima na si Mary Calvo Atam na sinampahan ng kasong parricide.
Nabatid na noong nabubuhay pa ang biktima ay palaging inaaway ang alkalde ng kanyang misis, partikular na kapag inuumaga ito ng uwi na pinararatangan nito na nambababae.
Magugunitang dahil sa matinding selos sa sekretarya ng huli na pinaghihinalaan nitong kalaguyo ng kanyang asawa ay nirapido ng suspek ang kanyang mister gamit ang isang M653 baby armalite rifle. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest