^

Probinsiya

4 kritikal sa firing demonstration ng RPA-ABB

-
Camp Crame – Apat katao kabilang ang isang walong taong gulang na batang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon makaraang aksidenteng mahagip ng pagsabog sa isinasagawang ‘firing demonstration’ ng mga bagong recruits ng Revolutionary Proletariat Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) sa Cadiz City, Negros Occidental kamakalawa.

Ang mga biktima na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Bacolod City Hospital dahilan sa tinamong mga tama ng sharpnels sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ay nakilalang sina Herminio Balasabas, 8-anyos; Junior Balasabas, 32; Glen Argawon, 22 at Allan Agabon.

Batay sa ulat, bandang alas 4 ng hapon ng maganap ang pagsabog sa Brgy. Celestino Villacen, Cadiz City, Negros Occidental.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bago ang pagsabog ay nakatanggap ng report ang mga awtoridad hinggil sa umano’y isinasagawang ‘graduation rites’ sa kanilang mga bagong recruits ng RPA-ABB, breakaway ng NPA.

Naghihinala ang mga awtoridad na posibleng nagkaroon ng premature na pagsabog ng M79 rifle grenade na ginamit ng mga bagong recruits bilang bahagi ng kanilang ‘firing demonstration’. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALLAN AGABON

BACOLOD CITY HOSPITAL

CADIZ CITY

CAMP CRAME

CELESTINO VILLACEN

GLEN ARGAWON

HERMINIO BALASABAS

JOY CANTOS

JUNIOR BALASABAS

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with