^

Probinsiya

Mayor binoga sa ari ng misis

-
CAMP CRAME – Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang alkalde matapos na pagbabarilin sa ari ng kanyang misis dahil sa matinding selos sa Tiboli, South Cotabato kamakalawa.

Batay sa ulat, kinilala ang biktima na si Tiboli Mayor Sarse Atam, 52.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang misis ng alkalde, subalit tumangging magbigay ng detalye sa insidente.

Ang biktima ay kasalukuyang comatose ngayon sa Doctors Hospital sa Koronadal City, South Cotabato matapos na magtamo ng tatlong tama ng bala ng armalite rifle sa kanyang sex organ. Nabatid na anim na beses binaril ang biktima, subalit tatlo lamang ang tumama rito.

Sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang naliligo ang alkalde dakong alas-6:30 ng umaga nang bigla na lamang pumasok sa banyo ang kanyang misis na tinukoy sa pangalang Imelda Nery Atam.

Armado ng baby armalite rifle ay bigla na lamang pinagbabaril ang nasorpresang alkalde na duguang napalugmok sa matinding sakit sapo ang pinuntiryang maselang bahagi ng katawan nito.

Lumilitaw sa imbestigasyon, nag-away ang mag-asawa kamakalawa ng gabi at nang umuwi kinabukasan ang biktima ay labis na ikinagalit ng suspek at sa kabila ng pagbubunganga nito ay tuluy-tuloy na nagpunta sa banyo para maligo.

Base naman sa pahayag ng mga kamag-anak ng ginang, maaaring nagselos lamang si Mrs. Atam dahil palaging inuumaga nang uwi ang kanyang mister na hinihinala nitong may kalaguyo. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARMADO

BATAY

DOCTORS HOSPITAL

IMELDA NERY ATAM

JOY CANTOS

KORONADAL CITY

LUMILITAW

MRS. ATAM

SOUTH COTABATO

TIBOLI MAYOR SARSE ATAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with