^

Probinsiya

Alalay ng alkalde dinedo

-
KORONADAL CITY – Pinaniniwalaang matinding alitan ang tumapos sa buhay ng isang 43-anyos na alalay ng dating alkalde makaraang upakan ng sunud-sunod na putok ng baril sa katawan nang nakaalitan nitong kainuman ng alak sa Triniville Subdivision, Koronadal City kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Florendo Quidilla, police chief, ang biktima na si Edwin Sorongon, "in-house" security escort ni dating Mayor Vicente de Jesus na kumandidatong alkalde sa ilalim ng Nationalist People’s Coaliton (NPC) noong nakalipas na May 10 elections, subalit natalo.

Kasalukuyan naman tinutugis ng pulisya ang suspek na si Leo Diaz ng Barangay Magsaysay.

Bandang alas-12:25 ng hatinggabi nang magtalo ang dalawa sa hindi nabatid na dahilan hanggang sa maganap ang krimen.

Napag-alaman pa sa ilang saksi sa insidente, na magkakasamang nag-iinuman ng alak ang grupo ng kalalakihan sa bahay ng nabanggit na dating alkalde nang magkasagutan ang dalawa.

Dahil sa kapwa senglot sa alak ang dalawa ay nagkapikunan sa pagtatalo hanggang sa maganap ang pamamaslang. (Ulat ni Ramil Bajo)

BANDANG

BARANGAY MAGSAYSAY

EDWIN SORONGON

FLORENDO QUIDILLA

KORONADAL CITY

LEO DIAZ

MAYOR VICENTE

NATIONALIST PEOPLE

RAMIL BAJO

TRINIVILLE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with