Pulis dinedo sa piyestahan
May 18, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Isang 35-anyos na pulis ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang kalalakihan makaraang rumesponde ang biktima sa kaguluhang nagaganap sa kapistahan sa Barangay Kabalasnan, Dumanjug, Cebu, ayon sa ulat kahapon. Idinekralang patay sa Barili District Hospital si PO2 Agapito Aranas ng Molbol police station. Bandang alas-5:30 ng hapon ng rumesponde ang biktima sa kaguluhang naganap na sangkot ang ilang hindi kilalang lalaki. Nairita naman ang pinagsabihan ng biktima kaya sunud-sunod na pinaputukan ng baril at agad na tumakas ang mga killer sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest