^

Probinsiya

Political lider ng gobernador,itinumba

-
CAVITE – Humabol pa sa madugong halalan ang kilalang political lider ni Cavite Governor Ayong Maliksi makaraan itong barilin at mapatay ng dalawang hindi kilalang lalaki habang papasakay sa van sa Barangay Biga 2, Silang, Cavite kahapon.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jose "Mike" Pacres, pangulo ng grupong Barangay and Community Alternative Leaders (BACAL) at residente ng nabanggit na barangay.

Samantalang ginagamot naman sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang kasamang drayber ng nasawi na si Victor Alarcon dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 baril sa kanang braso.

Base sa salaysay ni Alarcon, naganap ang krimen dakong ala-1:35 ng hapon habang papasakay ng kulay berdeng Toyota Revo (SFB-997) ang biktima patungo sana sa Imus, Cavite.

Biglang sumulpot sa likurang bahagi ng sasakyan ang dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang isa ay nagsilbing lookout at isinagawa ang pamamaslang.

Ayon pa kay Alarcon, animo’y walang nangyaring krimen dahil palakad na lumayo ang dalawang hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang mga bayarang mamamatay-tao.

Napag-alaman pa sa pamilya ng biktima na madalas na batikusin at kuwestiyunin ni ex-NBI director at cavite governor Epimaco Velasco si Cavite Governor Ayong Maliksi kung bakit pinayagan si Pacres na manungkulan sa kapitolyo gayung dating kasapi ng NPA rebels.

Nabatid pa na bago maganap ang pagpatay sa biktima ay naikuwento nito sa matalik na kaibigan na pinagbabantaan siya ng ilang tiwaling tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa hindi malamang kadahilanan.

Kinondena naman nina Cavite Governor Ayong Maliksi at congressional bet Ruben Madlansakay ng ikatlong distrito ang naganap na pamamaslang.(Ulat nina Christina G. Timbang at Mario Basco)

vuukle comment

ALARCON

BARANGAY AND COMMUNITY ALTERNATIVE LEADERS

BARANGAY BIGA

CAVITE

CAVITE GOVERNOR AYONG MALIKSI

CHRISTINA G

EPIMACO VELASCO

GENERAL EMILIO AGUINALDO HOSPITAL

MARIO BASCO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with