^

Probinsiya

3 holdaper nasakote

-
TANAUAN CITY, Batangas – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang kilabot na holdaper sa buong Batangas ang iniulat na nasakote ng pulisya makaraang makumpiskahan ng libong sim-cards ng cellphone, mga ladies bag, iba’t ibang company ID sa isinagawang raid sa Barangay Sambat, Tanauan City, Batangas kahapon. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Dennis Colegio, 27; Jerry Miranda, 29; at Antonio Marquesses. Ayon sa police report, ang tatlo ay dinakip sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Jamie Rafer ng Municipal Trial Court. (Ulat ni Arnell Ozaeta)
Congressman Nakaligtas Sa Ambush
CAMP CRAME – Masuwerteng nakaligtas sa kamatayan ang isang congressman makaraang tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang sasakyan ng una sa kahabaan ng Barangay Nambaran, Tabuk, Kalinga, ayon sa ulat kahapon. Pinaniniwalaan naman may bahid politika ang naganap na pananambang laban kay Congressman Lawrence Wacnang. Ayon sa ulat, binabagtas ng sasakyan ni Wacnang ang kahabaan ng nabanggit na lugar kasama ang kanyang partido mula sa pagpupulong sa bayan ng Rizal nang ratratin dakong alas-9 ng umaga. Wala naman iniulat na nasugatan sa mga kasamahan ni Wacnang. (Ulat ni Joy Cantos)
Sarhento Ng Army Itinumba
CAMP NAKAR, Lucena City – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kawal ng Philippine Army ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), samantalang dalawa naman sibilyan ang nasugatan makaraang tamaan ng ligaw na bala ng baril kamakalawa sa Barangay Bayanihan, San Narciso, Quezon. Pitong tama ng bala ang tumapos sa buhay ni S/Sgt. Rogelio Valdez ng 74th Infantry Battalion. Ginagamot naman ang dalawang sibilyang sina Rizalina Dimayacyac at Richelle Endrinal. Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Isagani de los Santos, naganap ang krimen bandang alas-4:30 ng hapon habang ang biktima ay naglalakad sa harap ng sabungan. Agad na tumakas ang mga rebelde sakay ng motorsiklo. (Ulat ni Tony Sandoval)
Waitress Tinodas Ng Customer
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Isang 16-anyos na waitress ang binaril at napatay ng hindi kilalang lalaking naging customer ng biktima bago itinapon sa palaisdaan sa Barangay San Rafael, Noveleta, Cavite kamakalawa. May palatandaang pinahirapan muna ang biktimang si Angeline Enot ng Barangay Caridad, Cavite City at naninilbihan sa Arlees videoke bar. Ayon sa pulisya, huling namataan buhay ang biktima na nakikipag-talo sa hindi kilalang customer hanggang sa matagpuang nakalutang sa naturang lugar. May teorya naman ang pulisya na tumangging sumama ang biktima kaya tinuluyang paslangin. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

ANGELINE ENOT

ANTONIO MARQUESSES

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY BAYANIHAN

BARANGAY CARIDAD

BARANGAY NAMBARAN

BATANGAS

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with