^

Probinsiya

Frat war: Estudyante dedo

-
Isang 26-anyos na estudyante mula sa University of the Philippines, Los Baños ang sinaksak at napatay ng kalabang frat, samantalang kritikal naman ang kalagayan ng kaibigan nito sa naganap na karahasan sa Demares Subdivision, Barangay Batong Malaki sa Los Baños, Laguna kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Los Baños District Hospital ang biktimang si Vergel Aquino ng Brgy. Iyam, Lucena City, habang kritikal naman si Francis Ignatius Dijam na kapwa miyembro ng Phi Sigma Fraternity.

Base sa ulat, binato ang inuupahang apartment ng mga biktima kaya napilitang lumabas upang mag-usisa, subalit sinalubong sila ng patalim ng isa sa mga suspek na si Aaron Carlo Cabrera na kasapi naman ng Tau Gamma Phi Fraternity. Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong love triangle ang unang motibo ng krimen. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

AARON CARLO CABRERA

BARANGAY BATONG MALAKI

DEMARES SUBDIVISION

DISTRICT HOSPITAL

ED AMOROSO

FRANCIS IGNATIUS DIJAM

LOS BA

LUCENA CITY

PHI SIGMA FRATERNITY

TAU GAMMA PHI FRATERNITY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with