Pedicab vs trak: 2 todas
April 25, 2004 | 12:00am
NUEVA ECIJA Dalawang sibilyan ang kumpirmadong nasawi habang dalawa naman ang nasugatan makaraang salpukin ng trak ang pedicab na sinasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Bakal 1, Talavera, Nueva Ecija kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina: Danilo dela Cruz, 44, ng Sitio Segundo, Brgy. Sto. Niño 2, San Jose City; at kaibigan nitong nakilala sa alyas Jun. Kabilang naman sa nasugatan ay sina: Joseph Agliam, 28, ng Brgy. Malasin at Domingo Blanes, 76, ng Brgy. Bardias, Sto. Domingo, Nueva Ecija. Napag-alaman sa pulisya, na ang mga biktima ay lulan ng magkahiwalay na traysikad nang araruhin ng trak bago tumakas sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest