P100-M libel vs 4 kandidato
April 25, 2004 | 12:00am
Sinampahan ni Antipolo City Mayor Angelito Gatlabayan ng kasong P100 milyong libel ang apat na kandidato ng Lakas-CMD ng nasabing lungsod kasama ang kanilang campaign manager dahil sa ikinalat umanong komiks ng mga ito na naglalaman ng paninira sa nasabing mayor.
Pormal na nagtungo sa Prosecutors Office ng Antipolo City si Gatlabayan para sampahan ng kaso sina: reelectionist Congressman Victor Sumulong ng District II, congressional candidate ng District I na si Ronaldo Puno, mayoralty bet Susana Say, vice-mayoralty bet Adiong Reyes, at Brgy. Capt. Edilberto Lagasca ng San Jose, campaign manager ng apat.
Sa pitong-pahinang reklamo ni Gatlabayan, ikinalat umano ng mga kalabang pulitiko ang labing-anim na pahinang komiks na nagsasaad na siya ay nakabili ng tatlong malaking ari-arian sa lungsod ng Antipolo mula nang naupo siya bilang alkalde at dahil sa kinita sa pagpapakalat ng iligal na droga.
Ang nasabing akusasyon ay mariing itinanggi ni Mayor Gatlabayan, sinabi rin nito na hindi totoong kanya ang mga nabanggit na establisimiyento at sinabing ito ay gawa-gawa lang ng kanyang mga kalaban para sirain ang kanyang pangalan kasama ng kanyang pamilya.
Nabatid na makakalaban ng asawa ni Mayor Gatlabayan na si Josefina Pining Gatlabayan si dating Dept. of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno para sa pagka-kongresista ng District I ng nasabing lungsod. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest