500 kilong pampasabog nasabat
April 25, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Nasabat ng mga elemento ng Maritime Police Station (MARSTA) ang 500 kilong sangkap sa paggawa ng pampasabog sa container van na pag-aari ng WG&A SuperFerry sa isinagawang operasyon sa pantalan ng Ozamis City kamakalawa.
Kasabay nito, pinaniniwalaang nadiskaril ang posibilidad na magamit ng mga teroristang grupo ang nakumpiskang pampasabog sa planong paglulunsad ng terror attack.
Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., dakong alas-9:15 ng umaga nang madiskubre ang sampung sako ng ammonium nitrate sa container van ng WG&A SuperFerry sa Brgy. Rituon ng nasabing lungsod.
Nabatid na hindi nakaligtas sa matalas na pang-amoy ng mga K9 dog ang mga sangkap-pampasabog.
Ang nakumpiskang ammonium nitrate ay naka-consign sa isang tinukoy sa pangalang Rey Totor na nabigo namang makapagpakita ng mga kaukulang dokumento sa pagbibiyahe ng delikadong kargamento.
Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa mga terminal ng bus, paliparan, daungan at iba pang mga matataong lugar na kabilang sa mga target ng mga terorista.
Ang Pilipinas at iba pang mga kaalyadong bansa sa South Pacific Region ay kabilang sa target ng terror attack dahil sa solidong pagsuporta sa inilunsad na anti-terrorism campaign ng Estados Unidos laban sa Iraq. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest