^

Probinsiya

117 kawani ng pabrika nalason

-
LIPA CITY, Batangas – Umaabot sa 117 kawani ng pabrika ang iniulat na nalason sa kontaminadong pagkain mula sa canteen noong Biyernes, ayon sa ulat ng health officials.

Sinabi ni Dr. Leonardo Recero, Lipa City Health Officer, ang mga biktima ay pawang kawani ng Jideco Manufacturing Company na matatagpuan sa Lima Technology Industrial Park sa Barangay San Lucas, Lucena City.

"Pinasisiyasat ko na sa aking mga tauhan kung ang kontaminadong sago, gulaman at milk shake, partikular na ang inuming-tubig at yelo na ginamit ay pinagmulan ng pagsusuka at pananakit ng tiyan ng mga biktima," ani pa ni Recero.

Ayon pa kay Recero, ang mga kawani ay may company outing noong Biyernes, ang pagkain na kanilang dala ay posibleng pinagmulan ng food poisoning.

Sa pahayag naman ni Dra. Perla Olave, director ng Lipa Medix Medical Center, simula noong Biyernes ay isinugod ang 57 biktima ng food poisoning at nagpapatuloy na tumaas ang bilang.

Kabilang sa mga ospital na pinagdalhan ay ang N.L. Villa Hospital (45); Mercado Hospital sa Tanauan na may 10 biktima; St. Patrick hospital sa Batangas City (3) at Mary Mediatrix Hospital ay dalawang biktima.

Nagpadala na ng mga beteranong imbestigador ang Lipa City Hall para siyasatin ang canteen na pinamamahalaan ni Jellie Sy at ipinag-utos na pansamantalang isara habang nagsasagawa ng imbestigasyon. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN LUCAS

BATANGAS CITY

BIYERNES

DR. LEONARDO RECERO

JELLIE SY

JIDECO MANUFACTURING COMPANY

LIMA TECHNOLOGY INDUSTRIAL PARK

LIPA CITY HALL

LIPA CITY HEALTH OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with