3 supporter ng Lakas bet minasaker
April 20, 2004 | 12:00am
CAMP SIONGCO, Maguindanao Tatlong sibilyan na pininiwalaang masugid na supporters ng mga lokal na Lakas bet ang iniulat na minasaker habang dalawa namang menor-de-edad ang malubhang nasugatan makaraang ratratin ang bahay ng mga biktima ng mga hindi kilalang lalaki sa Barangay Dinaampao, Datu Sangki, Maguindanao kahapon.
Kabilang sa napatay ay nakilalang sina: Kabayan, 60; Kacaria, 45, at Neria, 30, pawang may apelyidong Kamlon samantalang nasugatan naman ang mga biktimang sina: Mara, 10, at Maik, 13 na ngayon ay ginagamot sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinaligiran ng mga armado ng malalakas na kalibre ng baril na kalalakihan ang bahay ng pamilya Kamlon bago nag-umpisang ratratin.
Ayon pa sa ulat, bago nagsitakas ang mga armadong kalalakihan ay pinaulanan din ng bala ang mga kapitbahay ng pamilya Kamlon kaya nagkaroon ng tensyon ang mga residente.
Lumalabas sa impormasyong nakalap ng pulisya sa mga residente, ang mga biktima ay masugid na tagasuporta ng mga lokal na kandidato sa ilalim ng partido Lakas-Christian, Muslim Democrats.
Gayunman, sinabi ni Senior Superintendent Amerodin Hamdag, director ng Maguindanao police, patuloy na sinisiyasat ang naganap na insidente kung may kaugnayan nga sa politika, napaulat din na ang pamilya Kamlon ay may nakaalitang ibang angkan sa nabanggit na barangay.(Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
6 hours ago
Recommended