8 Aeta na rebelde nadakip
April 16, 2004 | 12:00am
CAMP AQUINO, Tarlac Walong Aetas na pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang dinakip ng militar sa kabundukang sakop ng Barangay Burog, Bamban, Tarlac kamakalawa.
Sinampahan na ng kaukulang kaso ang walong Aetas na sina: Carlito Sevilla, Butch Lacanduli, Rey Pamintuan, Carlos Tolentino, Efren Punzalan, Arkis Canduli, Andy Tolentino at Jerry Punzalan na pawang kasapi ng grupong Komiteng Larangang Gerilya Uno (Oscar Estrada Command) sa pamumuno ni Janet Cruz na dating aktibistang estudyante sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, ang mga Aetas ay nakumpiskahan ng home-made shotguns maliban kay Jerry Punzalan na pansamantalang pinalaya at nasa custody ni Ruben Sison, village chief sa Barangay Calumpang, Mabalacat, Pampanga.
Lumalabas sa ulat, nasakote ang mga rebelde habang sinusuyod ng mga elemento ng Armys 69th Infantry Battalion at 14th Scout Ranger Company ang liblib na bahagi ng nabanggit na barangay. (Ulat ni Benjie Villa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest