Pulis dedo sa ambus ng NPA
April 3, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Tinambangan at napatay ang isang kagawad ng pulisya ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay lulan ng sasakyan sa kahabaan ng highway na sakop ng Sitio Inchrom, Barangay Cagdianao, Claver, Surigao del Norte kamakalawa. Walang buhay na iniwan ng mga rebeldeng ang biktimang si PO3 Tomasito Correos ng Carascal municipal police station sa Surigao del Sur. Napag-alaman pa sa ulat, na dakong alas-5 ng umaga habang nagmamaneho ng service vehicle ang biktima patungo sa Butuan City nang ambusin ng mga rebelde. Wala pang malinaw na motibo na iniuugnay sa pamamaslang. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest