^

Probinsiya

4 Sayyaf nabitag

-
CAMP AGUINALDO – Nabitag ng tropa ng militar ang kapatid ni Abu Sayyaf Group (ASG) Commander Isnilon Hapilon at tatlo pa nitong tauhan na naaktuhan habang pasakay ng bangkang de-motor patungong Malaysia sa isinagawang operasyon noong Huwebes sa Zamboanga City.

Kinilala ni AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, ang mga nasakoteng suspek na sina Kasir Ibrahim, alyas Hamid, estudyante ng napaslang na si dating ASG Chieftain Abdurajak Abubakar Janjalani, Nasser Hapilon, isa sa mga Sub-Commander ng ASG at nakatatandang kapatid naman ni ASG Commander Isnilon Hapilon; Jupikar Abdulhasar at Junadil Abdulhar.

Sinabi ni Lucero, na si Ibrahim ay may nakabimbing warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9 ng Isabela City sa kasong kidnapping at serious illegal detention, habang si Nasir ay sangkot naman sa iba’t ibang kasong kriminal.

Ayon pa kay Lucero, ang mga suspek ay nasakote ng mga elemento ng Phil. Marines Intelligence Units dakong alas-11:45 ng umaga sa pantalan ng Zamboanga City.

Nabatid na kabilang sa mga kasong kinakaharap ng apat ay ang pagdukot sa mahigit 50 guro at estudyante sa bayan ng Tumahubong at Sumisip, Basilan noong Marso 20, 2000 sa naganap na hostage crisis sa lalawigan.

Inihayag ng opisyal na kasalukuyan pa nilang inaalam ang pakay ng ex na Sayyaf sa bansang Malaysia.

Wala namang nasamsam na eksplosibo sa mga bandidong nasakote na ngayo’y patuloy na sumasailalim sa masusing tactical ingerrogation ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

CHIEF LT

CHIEFTAIN ABDURAJAK ABUBAKAR JANJALANI

COMMANDER ISNILON HAPILON

DANIEL LUCERO

ISABELA CITY

JOY CANTOS

JUNADIL ABDULHAR

JUPIKAR ABDULHASAR

KASIR IBRAHIM

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with