^

Probinsiya

P15-M marijuana sinunog

-
CAMP ELPIDIO QUIRINO, Ilocos Sur – Umaabot sa P15 milyong puno ng marijuana ang nakumpiska at sinunog ng mga kagawad ng pulisya makaraang magsagawa nang magkahiwalay na operasyon sa Barangay Caoayan, Sugpon malapit sa hangganan ng Benguet at Ilocos Sur.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Mario B. Subagan, PNP provincial director, bago naisagawa ng pulisya ang pagsalakay sa 3.7 ektaryang plantasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang kapulisan mula sa mga opisyal ng barangay at residente tungkol sa malawak na taniman ng marijuana ng mga rebelde.

Agad na bumuo ng dalawang grupo ang pulisya sa pumumuno nina P/Sr. Insp. Mario Castillo at P/Sr. Insp. Fabiano Sudario.

Sa unang araw ng operasyon, sinalakay ang plantasyon ng marijuana, subalit sinalubong ang mga kagawad ng pulisya ng sunud-sunod na putok mula sa mga nagbabantay na rebeldeng NPA hanggang sa magsiatras ang mga ito at nakumpiska ang 40,000 puno.

Aabot naman sa 35,000 puno ng marijuana ang nakumpiska sa ikalawang operasyon at bulto-bultong puno ng marijuana ang sinunog. (Ulat ni Myds Supnad)

AABOT

BARANGAY CAOAYAN

BENGUET

FABIANO SUDARIO

ILOCOS SUR

MARIO B

MARIO CASTILLO

MYDS SUPNAD

SENIOR SUPT

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with